Tanong: Panutuan sa pagpili ng lalaking mamahalin.
Sagot: Madami na akong nakilalang tao, iba't-ibang klase. Sa paraang ito ay natuto akong kumilatis ng uri ng tao. At napagtanto ko na hindi lamang makikita sa panglabas na itsura ang pagkatao ng isang nilalang. "you have to know them deeper" ikanga. AT sa aking masusing obserbasyon ay ang lalaki ay isang indibidwal na natatanging nagpapatibok ng puso ng mga kababaihan. At narito ang mga mekaniks para mapatibok ang puso ko...
- may respeto sa sarili (pag wala kasi, wala nadin ako respeto sa kanya)
- may matinding takot sa Diyos (as in takot talaga)
- presentable (hindi gwapo pero rock!)
- maiintindihan ang pinaka pangit na kaugalian ko (sadist daw ako eh)
- mahaba ang pasensya (yung hindi marunong magalit kahit anung gawin ko)
- mamahalin ako sampu ng aking pamilya (lalo na si popsie at momsie)
- kikilalaning ama ng aking mga anak (too early for this?!)
- makakasama kong makape hanggang may puting buhok na kami (cool)
- ipapaalala sakin lahat kahit may alzimers nako... (short term memory ako eh)
- hindi magsasawang magpapakain kahit baldado nako... (nakakapagod kaya kumain)
- kasama kong mangarap (fairy tale ba ito?)
- seloso (yung tipong manununtok pag may boy let)
- pinapakelaman lahat ng gamit ko (lahat-lahat)
- mahilig sa rock music (rock n' roll!!!)
- may natapos, may pangarap (ayoko sa mangmang)
- kung sino pwede ako laging magreklamo
- confidante (masasabihan ko ng kahit ano lalo na pag may krash ako)
- tatanggapin ako pati nakaraan ko (lahat-lahat)
- magpapatawa sakin habang umiiyak ako (seryoso to ah)
- magpapa make - up sakin
- makikinig sakin kahit walang kwenta mga sinasabi ko
- quality time kahit busy
- totoong tao
- go biglaan ang mga lakad na malalayo (as in out-of-town)
- pinapangiti ako pag may problema
- no inhibitions
- may tiwala sakin
- papayagan akong uminom pag magkasama kami (taga linis ng suka ko kung masusuka ako)
- tuturuan at susuportahan ako pag nagkamali (oo na ikaw na si Mr. Right!)
- papagalitan (pag may nagawa akong mali)
- babytalks (may sarili kaming language)
- timezone!
- ayoko ng pangako initiative nalang
- manunuod ng cartoons tuwing free time
Makakita kayao ako ng tulad nila este niya...? Sino kaya ang taong may mga ganyang katangian? At pag nakita ko ba siya maging masaya kaya ako? Hmm... Ang swerte niya! AY ako pala... Promise magpakilala ka lang,,, Magiging matino nako para sayo...

1 comment:
sana makahanap ka ng gnian. but i think meron na e dmo lng napapansin
Post a Comment