Sunday, February 17, 2008
Ewan ko, SABI NILA
Sabi nila kung ang isang bagay ay hindi makakabuti sayo iwasan mo na ito agad sa simula palang. Dahil maari mo itong pagsisihan o magdulot ng di maganda sayo. Paano kaya kung nasimulan mo na? Kakayanin mo pa bang bumitaw? Parang sa sitwasyon ng mga tao sa paligid ko. Lagi ko sinasabi masarap mabuhay ng tama, yung wala kang tinatapakan. Yung tipong nagmamahal ka na walang sabit, kung may masaktan man isa sa inyo ng minamahal mo o ikaw lang. Kasi napaka sama ng pakiramdam nang nagmamahal ka nga may masasaktan naman. Ang labo pero ang linaw. Sabi nila, walang masama kung nagmamahal ka. Sabi nga sa bible ang "Diyos ay Pag-ibig" pero bakit may pagkakataon na hindi pwede? Kahit magmahal mali? Hindi ito usapan ng pagiging "kerida" o "kabit". Halimbawa nalang mahal ng isang taong malapit sayo. Alam niyong gusto niyo ang isa't-isa pero hindi pwede dahil alam ninyo na may masasaktan. Dapat ka pa bang magmahal? Ano ba talaga ang importante ang nararamdaman niyo niyo o ang mararamdaman o sasabihin ng iba? Sakit lang sa ulo. Nakakapagod kaya magisip kahit nakahiga ka lang buong araw. Nakakagutom. Nakakapayat. Nakaka-depress ikanga. Hay.. SAbi niyong nga sakin, kailan pa naging mali umibig? Ang hirap. Pero madali lang. Eh kasalanan nila sinimulan pa. Kung nagisip lang sana sila. Pero nagmamahal lang naman. Sino ba talaga ang tama? Ano ba talaga ang tama? Kailangan bang may masaktan pa? Eh di wag nalang magmahal. Ay ang pangit naman ata. Sarili kong opinion. Depende padin. Ang pag-ibig ay give and take, kailangan natin matutunan na magparaya, pero paano naman tayo? Dito papasok na Love is sacrifice. Ang hirap no. Wala naman kasing madali talaga. Ngunit kung gagamitin natin ang isip mas madali. Diba pag nagmamahal dapat ang puso ginagamit? Sundin ang nararamdaman o sinasabi ng puso. Teka, diba mas mataas ang isip? Pero sabi nila "The mind goes where the world leads it, The heart goes where it wants to go" So nasusunod ba talaga ang puso? Ngeh. Malabo padin..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment